Hindi mapagkakaila na wala nang mas lalakas pa pagmamahal ng isang Pinoy sa kanyang pamilya. Ang Pilipinas, ika nga, ay isa sa “most lovable country” sa mundo, at ang pagmamalasakit ng bawat Pilipino sa kanyang pinakamamahal ay talagang makikita sa pagtatrabaho nito.
Marami sa atin ang nagtatrabaho sa abroad para may pangtustos sa pamilya, isang patunay na hindi talaga pansarili lamang ang pagkuha ng mas malaking oportunidad sa ibang bansa kaysa manilbihan dito sa ‘Pinas. Para kay Ron, 23 years old, ang pinakamabigat na sakripisyo niya ang makipagsapalaran bilang cook sa Canada para mapagamot ang kanyang ina.
Ito ang istorya niya:
My name is Ron, 23 years old, single. Based in Canada, cook ako sa isang restaurant dito.
Bakit ako naging isang OFW? My mom was diagnosed with a very rare desease (myasthenia gravis) na hospitalized siya last 2 years ago for almost a year, 6 months sya sa ICU, kaya nagkabaon-baon kami sa utang, nasangla ang masasangla at naibenta din ang kayang ibenta.
Hangang naging okay sya, within 2 yrs na gain nya ulit strength nya, nakapag abroad din ako para maka ahon sa pagsubok na yon. And I thank God for that. Okay na ang lahat unti unti na kami nakakabayad, tuloy parin ang gamutan ni mommy kase for lifetime na yon wala kaseng gamot sa sakit nya, pero atleast naging okay sya malakas at back to normal.
I lost her a month ago, sobrang biglaan nag-usap pa kami tas mabalitaan ko wala na sya. 7 months pa lang ako dito, kaya pikit-mata umuwi pa din ako sa pinas para makita sya hanggang sa huli btw 47 yrs old lang siya. 11 days lang ako sa ‘Pinas at eto salamat pa rin sa Diyos nakabalik ako ng walang problema. Kakabalik ko lang nung Nov. 6.
Sa araw araw na ginawa ng Diyos lagi kong naiisip nanay ko kase namimiss ko sya. Kami kase ng tatay ko hands-on sa pagaalalaga sa kanya nung nasa hospital siya. Mom, kung nasan ka man ngayon, wag mo kami alalahanin. Ako na bahala sa naiwan mo. Eto ako ngayon patuloy ang buhay. Laban lang! Kahit nawalan ako ng direksyon sa buhay dahil wala ka na kung bakit ako nag trattabaho at nagsisikap.
Kagaya ni Ron, maaari niyo ring ibahagi ang inyong kwento sa CitiGlobal. Pumunta lang sa aming Facebook page at i-message kami kung paano kayo ma-fe-feature. Ang mapipili ay magkakaroon ng Noche Buena gift pack courtesy of CitiGlobal.
Iniimbitahan rin namin kayo na sumali sa OFW community group at makipag-interact sa kapwa niyong OFW for tips, news, at marami pa.