Sa totoo lang, isa sa pangarap ng mga OFW ay magkaroon ng sariling bahay sa ating bayan. Seryoso at nagpapakahirap sila magtrabaho sa ibang bansa upang makaipon nang husto upang makapagpatayo ng kanilang tinatawag na “dream house”. Kaya naman may isang leisure real property developer na naniniwala sa adhikain na mabigyan ang mga kababayan natin na OFW na matupad ang nasabing pangarap.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makipag-usap at makapanayam sa isa sa bumubuo ng Citi Global Realty and Development, Inc., isang lokal na kompanya na may mga leisure type na property sa Tagaytay at Palawan.
Nagkaroon ako ng interes sa kanilang programa para sa ating mga OFW.
Kadalasan kasi ang mga tinatawag na ‘leisure property’ ay para lamang sa mga nakakaangat sa ating lipunan. Parang wala ng oportunidad ang mga ordinaryong mamamayan na may maayos at marangal na trabaho upang magkaroon ng pagkakataon na makatamasa ng marangyang pamumuhay na hindi naman gagastos ng malaki Sa pakikipag-usap ko sa managing director ng kompanya, na si Beth To, tugma ang layunin ng kompanya nilang Citi Global na tumulong sa mga OFW.
Ang Citi Global kasi ay hindi tulad ng ibang nagbebenta ng rest house o luxury condotel, tinutulungan nito na magkaroon ng ganitong property ang mga ordinaryong OFWs. Maaaring masabi na ito ay isang adbokasiya ng nasabing kompanya upang paunlarin ang kabuhayan ng mga OFW.
Naniniwala kasi ang kompanya na nagpapakahirap ang mga OFW na magtrabaho sa abroad kaya nararapat lang na gantimpalaan nila ang sarili ng magagandang bagay na ang dati-rati ay may mga kaya lang ang nakaka-afford.
Ngayon, puspusan ang pagsisikap ng Citi Global para mabigyan ng affordable leisure property ang mga OFW.
Nagsasagawa ang kompanya ng malalimang pagbabago sa kanilang organisasyon. Ang mga OFW at kustomer nila ang sentro ng kanilang pinaigting na serbisyo.
Ang mga affordable leisure property na kasalukuyan nilang itinatayo sa Tagaytay ay maaaring pagkakitaan ng OFW bukod pa sa maaari nilang gawing bakasyunan kapag uuwi sila.
Simple lang ang inaalok na paraan para sa mga OFW para sa ganitong kasunduan. Kapag nakapili na ng leisure property ang OFW at nagkasundo na sa mode of payment, maari na nilang gawing bakasyunan ang condotel o kaya ay atasan ang property manager ng Citi Global na maghanap na nais upahan muna ang nasabing property.
Mukha ngang napakagandang investment ang condotel para sa mga tunay na bayani ng bansa.
Mahalaga ang kredibilidad ang brand ng isang produkto. Ganyan ang nais ingatan ng Citi Global – gusto nilang patuloy na magtiwala ang kanilang mga kliyenteng OFW sa kanilang brand.